Martes, Hunyo 27, 2017

Teknikal-Bokasyonal na Sulatin

Una sa lahat, ano nga ba ang pagsulat?

        Tungo sa leksyon na ito ay nalaman namin ang iba't-ibang kahulugan ng pagsulat. Ayon kay Rolando A. Bernales et. al, ang pagsulat ay pagsasalin sa papel o ano mang mapagsasalinang gamit. Ayon kay  Xing at Jin, ang pagsulat ay isang komprehensibong kakayahan. Ayon kay Badayos, ang pagsulat at isang mahirap na kakayahan. Ayon naman kay Peck at Buckingham, ang pagsulat eksteniyon ng wika mula sa karanasan sa pakikinig, pagbabasa at pagsasalita.


       "Kapag tumigil sa pagsulat ang isang tao, tumitigil na rin siya sa pag-iisip." Kung bibigyan namin ng kahulugan iyan, iyan ay tumpak dahil sa tuwing nagsisimula tayong magsulat ay iniisip natin ang mga salitang isusunod natin sa pagsulat, at kapag mauubusan na tayo ng ideya ay wala na tayong maisusulat. Kung ihahambing natin sa isang sitwasyon na kung saan ang guro ay nagpapagawa ng isang sanaysay, may isa kang kaklase na magtatanong sayo ng "Tapos ka na?" at sasaguting mo ng "Hindi pa, wala na akong maisip." Sa sitwasyong ito pinapaliwanag na hindi tayo makakapagsulat kung wala tayong naiisip, kaya sa tuwing titigil na tayo sa pagsulat ay ibig sabihin non ay wala na tayong maisip.


      Tungo sa kabuuang leksiyon ay nalaman namin kung gaano ka importante ang teknikal- bokasyonal na sulatin lalo na sa larangan ng komunikasyon dahil ito ay nagbibigay ng mga obhetibo o tumpak na impormasyon sa mga mambabasa. Naunawaan din naming kung gaano ka importante ang pagsulat nito upang makapagbigay ng tamang mga impormasyon dahil kung mali ang mga impormasyong mababasa ng mga mambabasa ay maaari itong makaapekto sa kanila, lalo na dahil sa sa layunin ng teknikal bokasyonal na dokumento ay ang mang-impluwensiya at manghikayat ng desisyon.